
Sinuspindi ng National Police Commission (Napolcom) ang 12 pulis para bigyang-daan ang imbestigasyon sa kanilang umano’y pagkakasangkot sa kaso ng nawawalang mga sabungero.
Matatandan na nagsampa ng kasong grave misconduct, irregularities in the performance of duty at conduct unbecoming of a police officer laban sa 12 pulis nitong nakalipas na linggo.
Ayon kay Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS) Service Director Edman Pares, ang administrative complaint ay base lamang sa affidavit ni whitleblower Julie Patidongan o alyas “Toto,” at iba pang complainants, na may ilang pulis na sangkot sa nasabing kaso.
Tinatayang 30 indibidual ang naiulat na nawawala sa pagitan ng 2021 at 2022 may kaugnayan sa umano’y game fixing sa online sabong.
Matatandaan na sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. , binigyang-diin niya na dapat na mapanagot ang mga sangkot sa kaso ng missing sabungeros.