Iginiit ng 12 senador na bumubuo sa bagong mayorya na hindi na Senate President si Sen. Alan Peter Cayetano matapos ideklarang bakante ang lahat ng posisyon sa Senado sa sesyong ginanap noong Miyerkules.

Ayon sa grupo, nakabuo sila ng quorum sa pamamagitan ng 12 senador batay sa umiiral na bilang na 22 miyembro ng Senado, dahilan upang maideklarang bakante ang lahat ng posisyon kabilang ang Senate Presidency.

Gayunman, sinabi nilang hindi pa maaaring mahalal si Sen. Sherwin Gatchalian bilang ganap na Senate President dahil kinakailangan pa ng 13 boto sa ilalim ng Konstitusyon. Sa ngayon, si Gatchalian ang nagsisilbing acting Senate President.

Kabilang sa bagong mayorya sina Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian, Sen. Tito Sotto, Sen. Migz Zubiri, Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bam Aquino, Sen. Lito Lapid, Sen. Erwin Tulfo, Sen. Raffy Tulfo, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Ping Lacson at Sen. JV Ejercito.

Naging posible ang quorum matapos dumalo si Sen. Chiz Escudero, ang tanging miyembro ng dating majority bloc na pumasok sa sesyon.

-- ADVERTISEMENT --