
Ayon kay National Union of Peoples’ Lawyers president Ephraim Cortez, sapat ang 12 senador upang makabuo ng quorum at makapagsagawa ng opisyal na sesyon sa Senado.
Ipinaliwanag ni Cortez na hindi kasama sa bilang si Sen. Jinggoy Estrada na nasa kustodiya dahil sa kasong plunder at si Sen. Bato Dela Rosa na hindi dumadalo sa sesyon habang nahaharap sa arrest warrant ng International Criminal Court.
Dahil dito, 22 na lamang ang itinuturing na kasalukuyang miyembro ng Senado at ang mayorya nito ay 12, na sapat para makapagsagawa ng sesyon, makapaghirang ng Senate President Pro Tempore at mga chairman ng komite.
Gayunman, sinabi ni Cortez na hindi sapat ang bilang na ito upang mapatalsik ang Senate President.
Nauna nang nahalal si Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at nagsilbing acting Senate President matapos makabuo ng quorum ang Senado sa tulong ng pagdalo ni Sen. Chiz Escudero.




