Nag-negatibo sa polio virus ang 12 indibidwal na nakitaan ng senyales ng sakit sa lambak Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Tuguegarao, sinabi ni Lexter Guzman ng Department of Health (DOH) RO2 na nag-negatibo sa pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa DOH- central office sa nakuhang specimen sa mga susepected polio cases.
Patuloy naman ang case investigation ng RITM kung anong sakit o virus ang dumapo sa 12 indibidwal na edad tatlo hanggang 17-anyos.
Samantala, hinigpitan ng DOH ang pagbabahay-bahay para mabakunahan kontra polio virus ang mga bata na may edad lima pababa.
Hinimok naman ni Guzman ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak dahil ito ang pinakamabisang paraan na panlaban sa virus.
Habang kumakalat ang virus sa ibat ibang bahagi ng katawan partikular sa nervous system ay makakaranas ng mga panimulang sintomas ng polio ang taong tinamaan ng virus.
Pinayuhan ng DOH ang publiko na maging malinis sa paligid at sa paghahanda ng pagkain para makaiwas sa polio virus.