
Nawawala ang 12 toneladang KitKat chocolate bars sa Europa matapos na nakawan ang trak na nagdadala nito, ayon sa pahayag ng Swiss food giant na Nestle noong Sabado.
Ayon sa Nestle, ang trak na naglalaman ng 413,793 bars ng bagong KitKat range ay nagmula sa gitnang Italya at nakatakdang ipamahagi sa iba’t ibang bahagi ng Europa, ngunit hindi nakarating sa huling destinasyon nito sa Poland.
Hanggang ngayon, hindi pa natutunton ang trak at ang kargamento. Hindi rin ibinunyag ng Nestle kung saan eksaktong nawala ang trak.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng KitKat na ang mga nawawalang chocolate bars ay maaaring matrace gamit ang unique batch code.
Ang sinumang makakakita o makaka-scan ng batch numbers ng nakawan ay makakatanggap ng instruksyon kung paano makipag-ugnayan sa KitKat.
Bagama’t pinahahalagahan ng kumpanya ang kakaibang panlasa ng mga kriminal, ang katotohanan ay lumalala ang insidente ng pagnanakaw ng kargo sa negosyo ng lahat ng laki.




