Nakatakdang kumuha ng double degree sa kolehiyo ang isang 12 years old na lalaki na nagtapos ng high school sa New York.

Nagtapos si Suborno Isaac Bari sa Malverne High School kung saan hindi na siya dumaan sa 5th, 6th, 7th, 9th, at 11th grades at tinapos lamang ang 4th, 8th, 10th and 12th grades matapos na maipasa ang New York State Regents examinations.

Plano ni Bari na tapusin ang kolehiyo sa loob lamang ng dalawang taon.

Kaugnay nito, sinabi ni Rebecca Gottesman, director ng K-12 school counseling sa Malverne Union Free School District na may kasunduan sila sa mga magulang ng bata kung saan na kukuha siya ng higher-level classes habang patuloy na makakasama ang kanyang mga kaibigan.

Nakakuha si Bari ng 1500 mula sa 1600 na Scholastic Aptitude Test o SAT, 34 sa 36 sa American College Testing or ACT, at tinapos niya ang limang advanced placement o AP classes.

-- ADVERTISEMENT --

Pumapasok si Bari sa New York University bilang scholar sa kanyang bachelor’s degree sa math at physics.

Plano din niya na kumuha ng doctorate degree at maging isang propesor sa hinaharap.