
Umabot sa 121 kaso ng road crash injuries ang naitala sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 31, alas-3 ng hapon, ayon sa Health Emergency Management.
Sa parehong panahon, tatlong kaso naman ng firecracker-related injuries ang naitala.
Mayroon pang mga biktimang isinugod sa ospital noong Bisperas ng Bagong Taon.
Isa sa mga biktima ng road crash ay mula sa Solana, Cagayan, matapos mabangga ng isang kulong-kulong na minamaneho ng lasing na driver.
Mayroon din ibang biktima na nagmula sa iba’t ibang munisipalidad, kabilang ang Piat at Penablanca Cagayan.
Samantala, isang biktima rin ng firecracker-related injury ang isinugod noong New Year’s Eve matapos masugatan ang kamay at mamula ang mata dahil pulbura.
Ayon sa ulat, hindi naman malubha ang kanyang kalagayan at kinailangan lamang ng paglilinis at pagsusuri.
Wala namang naitalang bagong kaso ng medical condition cases sa nasabing panahon.










