TUGUEGARAO CITY- Ire-relocate ang 115 na pamilya sa Bayan ng Baggao na nasa hindi ligtas na lugar kasama ang mga nasira at natabunan ang kanilang mga bahay dahil sa mga landslides at pagbaha.
Sinabi ni Mayor Joan Dunuan, 110 families na binubuo ng 257 persons sa mabundok na bahagi ng Brgy. Taytay Bantay ang ilalagay sa resettlement area dahil sa anomang oras ay guguho ang kinatatayuan ng kanilang mga bahay.
15 families o 56 persons naman ang ire-relocate sa Sitio Tueg, Betag Grande na hindi na maaaring balikan ang kanilang mga bahay na sinira ng mga pagbaha at landslides.
Sinabi ni Dunuan na nagsagawa na ng assessment ang Mines and Geosciences Bureau sa relocation site para sa mga nasabing pamilya.
Ayon sa kanya may nag-donate ng kanyang sakahan sa Brgy. Bantay habang sa Sitio Tueg naman ay inalok ang lupa ng barangay.
Sinabi ni Dunuan na may nakahanda na ring pondo mula sa nalikom na pondo mula sa ilang indibidual at grupo para sa pagtatayo ng mga bagong bahay.
Gayonman, sinabi niya na kailangan muna na isaayos ang mga nasabing lupa.
Sa ngayon ay nananatili sa evacuation centers ang mga nasabing pamilya.