Natanggap na ng labin tatlong dating kasapi ng Militia ng Bayan na sumuko sa pamahalaan ang tulong pinansiyal mula sa Department of Interior and Local Governmentt (DILG) at Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya.

Personal na inabot nina Governor Carlos Padilla at DILG Provincial Chief Elma Urbina ang cheke na nagkakahalaga ng tig-P15,000 sa mga benepisaryo mula sa Barangay Dulli, Amueg at Camandag sa bayan ng Ambaguio.

Kamsabay nito, hinimok ng DILG at ang gobernador na gamitin ang nasabing halaga para matulungan ang kanilang pamilya

Nabatid na dating supporters ng mga NPA sa kanilang aktibidad sa nasabing lugar ang mga naturang recipients.

Inihayag naman ni Milagros Sicat, provincial government’s coordinator for rebel returnees na mas marami pang tulong ang matatanggap ng mga rebel returnee sa ilalim Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --