Nasa 13 katao ang dinakip ng mga otoridad dahil sa illegal na pamumutol ng punongkahoy sa bayan ng Lal-lo at Gonzaga, Cagayan.

Batay sa report ng PNP-Cagayan, naaktuhan ang limang lalake na namumutol ng G-melina tree gamit ang chainsaw sa Brgy. San Lorenzo, Lal-lo.

Hinuli ang mga ito matapos na mabigong magpakita ng permit na putulin ang puno at hindi rin nakarehistro ang gamit na chainsaw na paglabag sa Republic Act No. 9175 o chainsaw act of 2002.

Kinumpiska ng mga otoridad ang mga tinistis na G-melina kasama ang gamit na chainsaw.

Sa bayan naman ng Gonzaga, hinuli ang walong kalalakihan matapos maaktuhang hinihila ang isang round log gamit isang fishing boat sa dalampasigan sa Brgy. Batangan.

-- ADVERTISEMENT --

Dinala sa himpilan ng pulisya ang walong indibidwal kasama ang nakumpiskang round log na may habang 12 meters.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga nahuling indibidwal.