Arestado ang 13 katao, kabilang ang isang abogado, matapos mahulihan ng mga baril at gamit pandigma sa Barangay Laskig, Pidigan, Abra

Ayon sa ulat ng Police Regional Office Cordillera (PRO-CAR), naganap ang insidente sa kahabaan ng provincial road matapos makatanggap ng ulat ukol sa kaguluhan sa lugar kaya agad na rumesponde ang mga tauhan ng Pidigan Municipal Police Station (MPS) katuwang ang comelec, at ang 4th Special Forces Company ng Philippine Army.

Nasabat ang dalawang sasakyan na isang itim at puti na walang plaka.

Sa isinagawang inspeksyon, nakita sa mga sakay ang ilang long firearms gaya ng M16 rifles, short firearms gaya ng .45 caliber pistols, mga bala, tactical gear, at ballistic vests.

Dahil dito, agad silang inaresto ng mga otoridad sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at gun ban.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, kakasuhan din ang abogado na kasama sa grupo dahil sa umano’y panghaharang sa imbestigasyon sa kabila ng paulit-ulit na babala ng mga awtoridad.

Tiniyak ng PRO-CAR ang kanilang patuloy na paninindigan sa pagpapatupad ng batas at pagbibigay proteksyon sa publiko lalo na ngayong panahon ng halalan

Nanawagan din sila sa publiko na makiisa sa mga otoridad at agad ireport ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang mga lugar.