Umabot sa 13 katao ang nalunod habang 99 naman ang naiulat na nasugatan sa lambak ng Cagayan kasabay ng monitoring ng Office of the Civil Deffense (OCD) Region 2 sa paggunita ng mahal na araw.

Gayonman, nilinaw ni Michael Conag, tagapagsalita ng ahensya, na batay sa guidlines na inilabas ng kanilang central office ay hindi ito maituturing na holy week related incidents dahil sa ibat ibang kadahilanan.

Ang nasabing datos ay naiulat mula ng itaas ang full alert status noong Abril 1 hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi nito na ang mga insidente ay naganap habang nasa biyahe ang mga biktima, nagkaroon ng social gatherings at lasing na nagresulta sa hindi pagkakaunawaan tulad ng naitalang kaso ng pambubugbog at pananaksak sa ibang mga probinsya sa rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito ay mayroon aniyang naitalang isang insidente ng sunog sa isang bahay sa Alfonso CastaƱeda, Nueva Vizcaya, nitong Abril 5 kung saan isang pamilya na kinabibilangan ng walong indibidwal ang naapektohan.

Ayon kay Conag, mas mababa ang mga naitalang insidente noong nakalipas na taon kumpara ngayong 2023 dahil sa pag-iral ng mahigpit na restrictions dahil sa pandemya.

Gayonman, inihayag nito na maituturing pa ring mapayapa at wala namang malalang mga insidente ang naiulat kasabay ng pagsasagawa ng mga religious gatherings sa mga simbahan sa lambak ng Cagayan.