Inaresto ng mga awtoridad ang 13 na undocumented Chinese nationals sa Bataan at nadiskubre din ang tila uniform ng People’s Liberation Army sa nasabing operasyon.
Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea, ang mga naarestong dayuhan ay pahinante ng dredger vessel Harvest 89 na nasa Mariveles, Bataan.
Una rito, nagbigay ng abiso ang agent ng vessel sa PCG para sa pag-alis nito papunta sa susunod na port of call sa bayan ng San Felipe sa Zambales para magsagawa ng dredging operations.
Sinubukan ng mga tauhan ng PCG na pasukin ang barko para sa pre-departure inspection, subalit hindi sila pinayagan, na nagbunsod para sa pagsasagawa ng detalyadong inspeksiyon.
Nang pasukin ng PCG composite team ang barko, nadikusbre nila ang siyam na undocumented Chinese crew members, lahat ay walang kaukulang documentation.
Sinabi ni Tarriela na sa isinagawang follow-up inspection, nakita nila ang karagdagan na apat na Chinese nationals na nagtatago.
Idinagdag pa ni Tarriela na may nadiskubre din na katulad ng uniporme ng Pople’s Liberation Army, na nagbunsod ng pagkabahala kaugnay sa intensiyon ng mga nasabing Chinese nationals.