TUGUEGARAO CITY- Binuksan ngayon ng Department of Trade and Industry o DTI ang 13th month pay loan program para sa micro and small enterprises.

Sinabi ni Kim Lester Bunagan, Small Business Corporation Representative ng DTI Region 2 na layunin ng nasabing programa na matulungan ang nasabing sektor na maibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado.

Ipinaliwanag niya na ito ay bilang tugon na rin ito sa epekto ng covid-19 pandemic sa mga maliliit na negosyo na may alugi o nabawasan ang kanilang kapital.

Ayon sa kanya, obligado ang mga negosyo na ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado dahil ito ay nakasaad sa Labor Law at sa pamamagitan ng programa ay magagawa ito ng mga naapektuhan ng pandemya.

Sinabi ni Bunagan na para sa micro enterprises ay maaari silang makautang ng tig-P12, 000 para sa bilang ng empleyado na hanggang siyam habang sa small enterprises naman ay parehong halaga para sa bilang ng empleyado na 10 hanggang 40.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa opisyal, buksan lamang ang www.bayanihancares.ph.com dahil online ang aplikasyon ng nasabing loan program.