Huli ang isang 18-anyos na lalaki matapos nitong saksakin sa leeg ang kanyang 14-anyos na girlfriend sa loob ng restroom ng isang paaralan sa Cebu City.
Ang suspek ay isang Grade 10 student habang ang biktima naman ay kapwa nag aaral sa parehong paaralan.
Ayon sa mga ulat, naganap ang insidente matapos maghiwalay ang magkasintahan.
Sinabi ng suspek na hindi niya matandaan kung anong dahilan ng kanilang pag-aaway o ng pananaksak.
Itinanggi rin nito ang mga naunang balita na nagalit siya nang tumanggi ang biktima na makipagtalik sa kanya.
Inamin ng suspek na ang tanging bagay lamang na naaalala niya ay ang pananaksak sa biktima.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa inilalabas ang kalagayan ng biktima.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Mabolo Police, habang ang suspek naman ay kasalukuyang nakakulong habang hinihintay ang mga susunod na hakbang sa legal na proseso.