Patay ang isang 14-anyos na batang lalaki matapos makuryente habang naglalaro sa baha sa bayan ng Aparri.

Kinilala ni PMSGT Jupiter Paguirigan ng PNP-Aparri ang biktima na si Jeremiah Saring, grade 8 student at residente sa Barangay San Antonio.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naglalaro ang bata sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan sa public park sa Barangay Centro, kasama ang kapatid at pinsan.

Ngunit nang makarating sa nabahang bahagi ng parke ay bigla na lamang itong nakuryente at natumba.

Nabatid na mula sa isang outlet sa parke na lubog sa tubig baha ang dahilan ng pagkakuryente ng biktima

-- ADVERTISEMENT --

Sinubukan pang i-revive ang biktima at dinala sa ospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Dahil sa pangyayari, pansamantalang isinara sa publiko ang parke.