Nakauwi na ng Pilipinas ang 14 na Filipino seafarers na sakay ng MV Century Royal na ni-raid ng mga pirata sa Port-au-Prince Anchorage, Haiti.
Sila ay kabilang sa 18 tripulanteng Pinoy na sakay ng naturang barko kung saan may dalawa pang Pilipino ang nawawala.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at sa Department of Migrant Workers (DMW), bukod sa tulong-pinansyal, bibigyan din ng physical at psychological support ang mga umuwing Pinoy seafarer.
Tiniyak naman ng DMW na nagpapatuloy ang negosasyon para sa paglaya ng mga natitira pang bihag na Pinoy crew.