Umakyat sa 14 ang bilang ng mga nasawi sa pagguho ng dalawang magkatabing gusaling tirahan sa lungsod ng Tripoli sa Lebanon noong Linggo, ayon sa pinuno ng municipal council.

Batay sa ulat ng Lebanon’s National News Agency nitong Lunes, mula sa naunang anim na nasawi ay umakyat sa 14 ang death toll matapos matapos ang search and rescue operations, ayon sa civil defense chief.

Sinabi ni Civil Defense Director General Imad Khreiss na narekober ng mga rescue team ang 14 na bangkay at walong katao ang nailigtas mula sa mga guho ng gumuhong mga gusali sa Bab al-Tabbaneh neighborhood sa hilagang lungsod ng Tripoli.

Ayon naman kay Abdel Hamid Karameh, pinuno ng municipal council ng Tripoli, hindi pa niya makumpirma kung ilang katao pa ang nawawala.

Nauna nang sinabi ng pinuno ng rescue service ng civil defense ng Lebanon na may 22 residente ang nakatira sa dalawang gusali.

-- ADVERTISEMENT --

Sa mga nakalipas na linggo, ilang matatandang gusaling tirahan na ang gumuho sa Tripoli, ang ikalawang pinakamalaking lungsod ng Lebanon.

Ipinapakita umano nito ang lumalalang kalagayan ng imprastruktura at ang mga taon ng kapabayaan.