Umaabot na sa 14 ang namatay sa malakas na lindol na yumanig sa Vanuatu kahapon, habang patuloy ang isinasagawang paghahanap ng mga survivors.
Mahigit 200 naman ang nasugatan na ginagamot ngayon sa mga ospital, matapos ang 7.3 magnitude na lindol.
Sinira ng lindol ang maraming gusali, kabilang ang mga embahada ng US, France, United Kingdom at New Zealand.
Naputol din ang supply ng kuryente at mobile services.
Ayon sa pulisya ng Vanuatu, idineklara ang pitong araw na state of emergency upang limitahan ang galaw ng publiko habang isinasagawa ang search and relief operations.
Sa bilang ng mga namatay, apat ang binawian ng buhay sa ospital sa Port Vila.
Ang anim ay dahil sa landslide, habang ang apat ay mula sa gumuhong gusali, kung saan inaasahan na madagdagan pa ang bilang ng mga namatay.
Dalawa sa mga namatay ay Chinese nationals, ayon embahada ng China.
Tinataya na aabot sa 116,000 na katao ang apektado ng lindol, ayon sa UN Office Office for the Coordination of Humanitarian Affairs.