Patay ang 14 katao, kabilang ang ilang bata sa refugee camp sa Uganda nang tamaan ng kidlat ang ginawang pansamantalang simbahan.

Nasa 50 katao ang nagdadasal sa simbahan sa Palabek refugee camp sa northern Uganda noong gabi ng Sabado nang magkaroon ng malakas na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.

Namatay ang 14 na katao nang tamaan ng kidlat ang bakal na bubong ng simbahan, kabilang ang limang batang babae at siyam na batang lalaki na edad 14 at 18.

Ayon sa pulisya, 34 na iba pa ang nasugatan sa insidente.

Karamihan ng mga refugees ay mula sa Nuer community sa South Sudan.

-- ADVERTISEMENT --

Nakaranas ang Uganda ng maraming lightning-related deaths nitong nakalipas na mga taon.

Noong 2011, 18 na estudyante ang namatay sa pagtama ng kidlat sa primary school, at siyam na teenagers ang namatay sa insidente naman noong August 2020.

Noong February 2020, apat na endangered mountain gorillas ang namatay dahil din umano sa kidlat sa Mgahinga National Park sa southwest Sudan.