Umabot na sa 14 na municipalidad sa Isabela ang idineklarang insurgency free kasunod ng pagkakadeklara sa Santiago City at Dinapigue.
Ayon kay Regional Director Plormelinda Olet ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Region 2, kinabibilangan din ito ng Palanan, Divilacan, Maconacon, Jones, Echague, San Mariano, Benito Soliven, San Guillermo, Angadanan, Ilagan City at San Agustin.
Ang nasabing deklarasyon ay dahil na rin sa bisa ng inihaing resolusyon ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan upang maideklarang Insurgency-Free ang kanilang lugar.
Ito ay nakapaloob sa Resolution No. 2024-48, na kung saan wala ng naitalang aktibidad ang mga teroristang grupo sa nasabing mga bayan.
Sa ngayon ay target ng nasabing ahensiya na maideklarang insurgency free na ang buong probinsiya ng Isabela.
Malaking tulong aniya ang whole of nation approach upang matugunan ang insurhensiya dahil hindi lamang security sector ang may kontribusyon upang maideklarang insurgency free ang mga nasabing bayan dahil lahat ng ahesniya ng gobyenro kasama ang local government officials, private sectors at mga mamamayan ay nagtulungan upang matuldukan ang matagal nang pananakot at panloloko ng makakaliwang grupo.
Samantala sinabi pa ni olet na sa ngayon ay hindi pa maideklarang insurgency free ang probinsiya ng Cagayan dahil na rin sa patuloy na pagtatago ng mga maliit na armadong grupo na hanggang ngayon ay pinaghahanap ng mga security sector.
Sa ngayon ay patuloy rin ang pagbibigay ng serbisyo ng lahat ng ahensiya ng gobyerno at private sector sa pagbibigay impormasyon sa publiko at mga programa ng NICA upang magbigay paalala lalong lalo na sa mga estudyante na maging maingat at wag magpapaloko sa mga gustong magrecruit sa kanila.