Aabot sa 14 na mga wanted persons na sangkot sa magkakaibang kaso ang naaresto sa lalawigan ng Cagayan sa unang araw ng one time, bigtime operation na inilunsad noong July 1 hanggang July 3.
Ayon kay Pol/Capt. Sharon Mallillin, tagapagsalita ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), na resulta ito ng pinaigting na operasyon sa paghuli sa mga wanted person na nahaharap sa ibat-ibang kaso.
Sa datos ng CPPO, anim na mga Top Most Wanted ang naaresto; Top 3 Most Wanted sa kasong robbery sa Sta Teresita; Top 4 sa kasong rape sa Gattaran; Top 6 sa kasoang frustrated murder sa Gonzaga; Top 7 sa kasong attempted homicide sa Enrile; Top 7 sa kasong qualified theft sa Tuao at Top 9 sa kasong qualified theft sa Lal-lo.
Bukod dito, sinabi ni Mallillin na lima sa other wanted person at tatlong wanted sa ilalim ng special laws na ilegal na droga ang naaresto sa nasabing operasyon.
Aniya, binigyan ng tig-isang target kada araw ang bawat police station sa lalawigan para arestuhin ang mga wanted sa batas.
Samantala, nasa 134 naman ang nahuli ng pulisya na nagmamaneho ng walang suot na helmet noong July 1.