Umabot sa 140 na baboy ang sabay-sabay na nilitson at inihanda kasabay ng 2nd Buguey, Cagayan Agri-fiesta

Galing sa iba’t-ibang barangay ang mga nilitson na baboy na ipinaalaga ng lokal na pamahalaan.

Tinatayang nagkakahalaga ng P8, 000 hanggang P10, 000 ang presyo ng bawat baboy na nilitson at inulam din ng mga residente

Nasa 20 piraso ng baboy ang galing sa pamahalaang lokal kung saan nilagyan ito ng alimango sa loob.

Ayon kay Mayor Licerio Antiporda III ng Buguey na layunin ng letchon festival na mapalakas ang hog industry sa kanilang bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Antiporda na target nilang makapag-alaga ng kahit tig-dalawang baboy ang bawat residente para tumaas ang supply ng baboy sa kanilang bayan.

Humingi na siya ng tulong sa Department of Agriculture o DA para sa pagpapatayo pig breeding center na mayroong biosecurity measure para masiguro na malusog at walang sakit gaya ng African Awine Fever ang mga biik na ipapamahagi sa backyard hog raisers.

Inihayag naman ni Regional Executive Director Rose Mary Aquino ng DA Region 2 na isa sa mga pangunahing bisita sa aktibidad na approved in principle ang kahilingan ng LGU Buguey.

Maliban sa letchon festival, ipinagdiriwang din ng bayan ng Buguey ang malaga at crab festival.

Binigyang diin ni Antiporda na hindi lang ito basta festival dahil layunin ng mga pagdiriwang na ito na maisulong ang food tourism activity sa naturang munisipalidad at para maiangat din ang pangkabuhayan ng mga mamamayan.

Ito rin ay bilang suporta sa food sufficiency program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.