
Binabantayan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang air at water assets ng 140 indibidwal at hanggang 300 korporasyon dahil sa umano’y korapsyon.
Ayon kay ICI Technical Working Group Chairman Usec. Aboy Paraiso, hindi pa na-freeze ang mga asset habang tinutukoy ang tunay na may-ari. Ilan ay nakapangalan sa malaking kumpanya ng petrolyo na Shell.
Kapag nakumpirma ang may-ari, agad magsasampa ang ICI ng freeze order para hindi magamit o maibenta ang mga ari-arian. Layunin nito na maibalik sa gobyerno ang pondo na posibleng nakuha mula sa kaban ng bayan, kabilang ang flood control funds.
Ang pag-freeze sa bilyon-bilyong pisong assets ng dating mambabatas na si Zaldy Co at iba pa ay bahagi lamang ng paunang hakbang ng pamahalaan para mabawi ang mga nakaw na yaman.










