Tinatayang 148 katao ang natagpuang patay matapos na masunog at lumubog ang isang kahoy na motorized na bangka sa Democratic Republic of Congo.
Ayon sa mga opisyal, lulan ng bangka ang nasa 500 na pasahero, kabilang ang mga babae at mga bata, nang tumaob ito sa Congo River sa northwest region ng bansa.
Sinabi ng pa ng mga opisyal na posibleng marami ang nawawala dahil sa nasabing insidente.
Nagkaroon ng sunog ang bangka na tinawag na HB Kongolo, malapit sa bayan ng Mbandaka matapos na umalis ito sa port ng Matankumu.
Ayon kay Compétent Loyoko, ang river commissioner, nangyari ang sunog habang nagluluto ang isang babae na sakay ng nasabing bangka.
Sinabi niya na maraming pasahero ang namatay, kabilang ang mga babae at mga bata nang tumalon sila sa tubig at hindi na sila nakalangoy.
Matatandaan na noong 2024, nasa 78 katao ang nalunod nang lumubog ang isang bangka na may 278 na pasahero sa nasabing ring bansa.