Muli na namang nagsagawa ng marijuana eradication ang mga otoridad sa Tinglayan, Kalinga.

Sinabi ni PCapt. Ruff Manganip, information officer ng PNP Kalinga, isinagawa ang pagbunut at pagsira sa 45, 000 fully grown marijuana sa apat na plantasyon sa dalawang barangay ng Loccong at Butbut Proper noong June 27 hanggang 29.

Ayon sa kanya, mahigit P9m ang halaga ng nasabing mga marijuana.

Ayon kay Manganip na ang mga nasabing mga tanim na marijuana ay bagong diskubre, bagamat ang mga nasabing lugar ay dati na ring nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad ng Kalinga sa nakalipas na mga taon.

Kaugnay nito, sinabi ni Manganip na walang nahuling mga cultivator dahil sa mabilis nilang natutugunan ang pagdating mga otoridad dahil sa mabundok ang mga nasabing marijuana plantation.

-- ADVERTISEMENT --