Hanggang 15 bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mula Setyembre ngayong taon hanggang Pebrero ng susunod na taon.
Ayon sa state weather Bureau-PAGASA, posibleng may dalawa hanggang apat na tropical cyclones ang pumasok sa PAR sa susunod na dalawang buwan.
Samantala, dalawa hanggang tatlong bagyo ang posibleng pumasok sa bansa bansa sa Nobyembre.
Isa hanggang dalawang bagyo naman ang mabuo sa PAR sa Disyembre, habang wala o isang bagyo ang pumasok ng bansa sa Enero o sa Pebrero ng 2026.
Samantala, ang binabantayan na low pressure area (LPA) sa loob ng PAR ay may maliit na tsansa na mabuo na tropical depression sa susunod na 24 oras.
Ang sentro ng binabantayang LPA ay huling namataan sa layong 865 kilometers sa silangan ng hilagang Luzon.
Ang Southwest Monsoon o Habagat ang patuloy na nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.