TUGUEGARAO CITY-Umaabot sa 15 box ng kontrabandong sigarilyo ang nasabat ng PNP-Solana na nagkakahalaga ng P200,000.

Una rito, ayon kay Pcapt Jhun Jhun Balisi,hepe ng PNP-Solana, isang concerned citizen ang nagbigay impormasyon na may ibibyaheng kontrabandong sigarilyo sa kanilang nasasakupang lugar na mula sa Bulacan.

Agad na naglatag ng checkpoint ang kapulisan na sanhi nang pagkasabat ng 15 box ng sigarilyong marvels at mighty maging ang pagkahuli ng apat na katao.

Kinilala ni Balisi ang apat na suspek na sina Elpidio Reyes,driver,63 -anyos,marina mallari, 51-anyos, Jessy De Guzman, 41-anyos pawang residente ng San Rafael, Bulacan at Orlando Galang, 44-anyos na residente ng Nueva Ecija.

Dahil dito, nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Consumer act of the philippines dahil bigong magpakita ng dokumento ang apat.

-- ADVERTISEMENT --

Maging ang BIR code ng Bureau Of Internal Revenue at ang intellectual property ng Department of Trade and Industry ay isasampa rin sa apat.

Sa ngayon, sinabi ni Balisi na nasa kustodiya na nila ang apat habang inaalam ng kanilang himpilan kung saan nanggaling ang mga kontrabandong sigarilyo at kung kanino nila ito dadalhin sa bayan ng Solana dahil hanggang sa ngayon ay tikom umano ang bibig ng apat sa pagbibigay ng impormasyon.