Tuguegarao City- Nasa 15 COVID-19 Confirmed cases ngayon ang minomonitor mula sa pangangalaga ng CagayanValley Medical Center (CVMC).

Sa huling tala ng CVMC, apat sa mga pasyente ay mula sa mga bayan ng Amulung, Enrile at Sto. Niño sa lalawigan ng Cagayan.

Dagdag pa rito ay 10 ang mula sa lalawigan ng Isabela na mula sa mga bayan ng Aurora, Quezon, San Manuel, Cabagan at Ilagan City habang isa naman sa Tabuk City, Kalinga.

Nakapagtala naman ang naturang pagamutan ng pito na mga COVID-19 suspected cases.

Sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggao na nasa maayos na kondisyon ang mga pasyente habang hinihintay ang resulta ng kanilang mga swab tests.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa kay Dr. Baggao na natagalan lamang ang paglabas ng resulta sa mga pagsusuri dahil natambakan ng specimen ang testing center ng DOH Region 2.