TUGUEGARAO CITY-Nasa 15 confirmed cases ng Coronavirus disease (Covid-19) ang kasalukuyang minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, medical Center chief ng CVMC, mula sa nasabing bilang, pito ay mula sa Cagayan kung saan tatlo ay galing sa bayan ng Baggao at tig-isa sa Sta Ana, Lal-lo, Amulung at Enrile habang pito ang mula sa Isabela at isa sa Tabuk City,Kalinga.
Aniya, apat sa mga pasyente kabilang ang dalawang buntis ay naka-swero at mahigpit na minomonitor ang kanilang kalagayan.
Bukod dito, 15 suspected cases din ang minomonitor sa CVMC kabilang ang sampu na mula sa Cagayan, apat sa Isabela at isa sa Apayao.
Sinabi ni Baggao na karamihan sa mga suspected cases ay galing sa kalakhang Maynila.
Paliwanag ni Baggao na dumami ang bilang ng specimen na tinatanggap ng Department of Health (DOH)Region 02 kung kaya’t bahagyang bumagal ang paglabas ng mga resulta ng mga swab test.