Patay ang 15 katao kabilang ang isang mambabatas sa pagbagsak ng eroplano sa Colombia, malapit sa border sa Venezuela.

Ayon sa civil aviation authority ng Colombia, ang eroplano na pinapalipad ng state airline Satena, ay umalis mula sa border city ng Cucuta at nawalan ng contact sa control towers ilang sandali bago ito lumapag sa kalapit na Ocana.

Ayon sa mga opisyal ng aviation authority, walang nakaligtas sa nasabing trahedya.

Sakay ng eroplano ang 13 pasahero at dalawang crew members.

Ang Cucuta area ay magubat na may pabago-bagong panahon at ang malawak na bahagi ng lugar ay kontrolado ng pinakamalaking guerilla group sa Colombia, ang National Liberation Army.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpadala na ang pamahalaan ng Air Force para magsagawa ang paghahanap sa eroplano at makuha ang mga bangkay.

Pinangangambahan na isang mambabatas at isang legislative candidate ang sakay ng eroplano.

Ayon kay parliamentarian Wilmer Carillo, batay sa nakuha niyang impormasyon, sakay ng eroplano sina Diogenes Quintero at Carlos Salcedo.

Si Quintero ay miyembro ng chamber of deputies ng Colombia habang si Salcedo ay kandidato sa nalalapit na eleksyon.