Apat na mga overflow bridge sa lalawigan ng Isabela ang hindi madaanan dahil sa pag-apaw ng tubig sa mga ilog sanhi ng tuloy-tuloy na pag ulan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Tuguegarao, sinabi ni Francis Joseph Reyes, tagapagsalita ng Office of Civil Defense (OCD) RO2 na apat na tulay sa Isabela ang umapaw na kinabibilangan ng Alicaocao Bridge sa Cauayan City; Cabagan-Sto Tomas overflow bridge; Sta Maria overflow bridge; at Baculod bridge sa Ilagan City.

Isinara na rin sa trapiko ang bahagi ng lansangan sa “Pinacanauan Nat Tuguegarao” na inabutan ng baha sa pag-apaw ng pinacanauan river.

Samantala, kinumpirma ni Reyes na nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang 15-katao na inilikas, kagabi sa Barangay Ballesteros at Centro 1 sa Aurora, Isabela dahil sa pagbaha.

Ayon kay Reyes, nagkaroon ng pagbitak sa irrigation canal na dahilan ng pagbaha sa naturang dalawang Barangay.

-- ADVERTISEMENT --

Sa monitoring ng OCD, bumababa na ang lebel ng tubig sa Cagayan river.

Dagdag pa ni Reyes, malayo pa sa spilling level na 190 meters ang water elevation ng Magat dam sa gitna mga mga pag-ulan.