Patay ang 15 katao sa stampede sa pinakamalaking religious gathering sa mundo sa India at marami ang nasugatan.
Ayon sa isang doktor sa Prayagraj city, kasalukuyan nang ginagamot ang mga nasugatan sa nasabing Kumbh Mela festival.
Katuwang ng rescue teams ang mga pilgrim sa pagbuhat sa mga biktima palayo mula sa accident site.
Ayon sa local government official na si Akanksha Rana, nagsimula ang stampede matapos na masira ang mga barikada, kung saan nagsimulang magtulakan ang mga tao at marami ang mga natapakan at nadaganan.
Ang Kumbh Mela ay mula sa Hindu mythology, ang labanan sa pagitan ng deities at demons para sa kontrol sa isang pitsel na naglalaman ng nectar of immortality.
Inihahalintulad ng mga organizer na isang temporary country ang festival ngayong taon, kung saan tinaya nila aabutin ng nasa 400 million pilgrims ang bibisita bago ang pinal na araw sa Pebrero 26.
Dahil sa panganib na posibleng idulot ng mga magtititpon-tipon na pilgrims, naglagay ang mga pulis ngayong taon ng daan-daang cameras sa festival site at maging sa mga lansangan papunta sa encampment.
Ang surveillance network ay nakakonekta sa sophisticated command and control centre na may layun na magbigay ng alerto sa mga staff kung sa isang section ay masyadong maraming tao at nagbabadya ng banta sa seguridad.
Mahigit 400 katao ang namatay matapos na madaganan o nalunod sa Kumbh Mela sa isang araw ng festival noong 1954, at 36 naman ang namatay noong 2013.