Patay ang 15 katao at 30 ang nasugatan nang ibangga ng isang driver ang pickup truck sa kumpol ng mga tao sa New Year’s celebrations sa Bourbon Street sa New Orleans kahapon ng umaga.
Iniimbestigahan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang insidente na “act of terrorism.”
Kinilala ng FBI ang suspect na 42-year-old na mula sa Texas at Army Veteran na si Shamsud-din Jabbar.
Ayon sa FBI, ang suspect na napatay matapos na makipagbarilan sa mga awtoridad, ay may ISIS flag sa kanyang sasakyan nang mangyari ang pag-atake.
Naniniwala din ang FBI na hindi nag-iisa ang driver sa nasabing karahasan, matapos na makita sa sasakyan ang improvised explosive devices(IEDs).
Ang pag-atake sa sikat na French Quarter ay nangyari malapit sa lugar kung saan isasagawa ang The Sugar Bowl.
Dahil dito, sinuspindi ang annuel college football game sa loob ng 24 oras para sa kaligtasan ng bawat isa.