15 na lugar ang tinatayang makararanas ng mapanganib na heat index na 40 degrees celsius o higit pa ngayong araw.

Sa Dagupan City, Pangasinan, inaasahang makapagtala ng mapanganib na heat index o damang init na 46°C.

Mapanganib na heat index rin o nasa 43°C ang asahan sa General Santos City at South Cotabato.

Nasa 42°C naman ang asahang damang init sa katawan sa Aparri Cagayan, Tuguegarao City, Cubi PT., Subic Bay Olongapo City, Sangley Point, Cavite City, Cavite, at Cuyo Palawan.

Samantala, huling namataan ang low pressure area 95 km sa silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

-- ADVERTISEMENT --

Maliit ang tsansa ng LPA na maging isang bagyo dahil malapit ito sa kalupaan, at malaki ang tsansa na ito at malusaw na bukas.

Subalit, inaasahan na magdadala ito ng mga pag-ulan sa CARAGA, eastern Visayas at ilang bahagi ng Bicol Region.