Tuguegarao City- Pumalo na sa 366 ang actual cases ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Region 2.
Ito ay matapos muling makapagtala ang Department of Health Region 2 ng 15 bagong kaso ng tinamaan ng sakit.
Kabilang sa mga tinamaan ng COVID-19 sina CV357, 54 anyos, lalaki walang travel history at empleyado ng DOH; CV358, 23 anyos, babae, LSI galing Mandaluyong at Makati City na mula sa Ilagan City; CV359, 23 anyos na lalaki, CV360, 35 anyos na babae, CV 361, 43 anyos na babae at pawang mula sa bayan ng Enrile.
Naidagdag pa sa listahan sina CV362 na isang 57 anyos na lalaking galing ng Manila at mula sa Lallo; CV363, 48 anyos na bus driver mula Benito Siliven Isabela; CV364 na isang 30 anyos na lalaking galing ng Bulacan at ParaƱaque City mula sa bayan ng Quezon, Isabela; CV365, 46 anyos, babae, galing ng Marikina City, mula Quirino, Isabela at si CV366 na isang 27 anyos na lalaki mula tuguegarao City na nakasalamuha si CV357.
Nagpositibo rin sa virus sina CV367, 26 anyos, lalaki, galing Antipolo, Rizal, taga Lallo; CV368, 8months na sanggol, galing ng Valenzuela City, mula sa Solano Nueva Vizcaya; CV369, 3 anyos na lalaki, CV370, 14 anyos na lalaki, CV71, 42 anyos na lalaki pawang mula sa bayan ng Gamu at nakasalamuha si CV311.
Mula sa nasabing datos, 226 na rito ang nakarekober sa sakit, 137 ang active case at 3 ang bilang ng mga nasawi.