Tuguegarao City- Nadagdagan ng 15 ang naitalang mga panibagong kaso ng COVID-19 cases sa Region 2.

Sa huling tala ng Department of Health ay umabot na sa 501 ang actual cases ng tinamaan ng sakit sa rehiyon.

Mula sa nasabing bilang ay 198 dito ang active cases habang mas mataas pa rin ang bilang ng mga recoveries kung saan ay umabot na ito sa 309.

Nananatili namang tatlo ang bilang ng mga nasawi dahil sa nakakahawang sakit.

Kabilang sa mga naidagdag sa listahan ang isang pasyente mula sa Solana, Cagayan at 14 mula sa lalawigan ng Isabela partikular ang tig-isang kaso sa Santiago City, Tumauini, Roxas at Cabagan.

-- ADVERTISEMENT --

Dalawang kaso naman ang naitala sa bayan ng Aurora habang walong pasyente naman ang naitala mula sa Ilagan City.

Batay sa ulat ay mataas dito ang kaso ng local transmission kung saan karamihan sa mga pasyente ay nakasalamuha ang mga nauna ng tinamaan ng virus.

Sa ngayon ay patuloy naman ang ginagawang contact-tracing upang matukoy ang mga posibleng nakasalamuha ng mga pasyente.