

Nakatanggap ng financial assistance ang labinlimang manggagawa na residente ng Tuguegarao City na nawalan ng trabaho bunsod ng COVID-19.
Ang mga benepisaryo ay mga porter sa Tuguegarao City Airport na maituturing na mga displaced worker.
Personal na inabot ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano ang tig-10,000 na financial assistance bilang pagsisimula ng mga ito ng maliit na negosyo.
Nabatid na ang pondo para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho ay mula sa livelihood development program ng Technology Livelihood and Development Office (TLDO).
Target naman ng pamahalaang lungsod na mabigyan ng kahalintulad na tulong pinansiyal ang mga manggagawa na nasa parlor at barbershop.
-- ADVERTISEMENT --




