
Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo na nasa kustodiya na nila ang 15 Filipino crew members na nakaligtas at ang dalawang namatay na tripulante ng M/V Devon Bay mula sa Chinese Coast Guard (CCG).
Ayon sa PCG, isinagawa ang turnover operation sa pagitan ng PCG at CCG mga 168 nautical miles kanluran ng Tambobong, Pangasinan. D
ahil sa malalaking alon sa lugar, ginamit ang rigid-hull inflatable boats ng parehong barko para mailipat ang mga nakaligtas.
Ang dalawang bangkay naman ay sasailalim sa tamang proseso ng disposisyon sa pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad at pamilya ng mga biktima.
Nagpasalamat ang PCG sa CCG sa kanilang humanitarian assistance na nagsiguro sa kaligtasan ng buhay sa dagat.
Kasalukuyang dinadala ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) ang 17 crew members at inaasahang darating sa Pier 13, Port Area, Manila sa bukas ng madaling araw.
Samantala, ipinagpapatuloy ng BRP Cape San Agustin (MRRV-4408) at PCG Islander aircraft ang paghahanap sa apat pang nawawalang tripulante.
Ang M/V Devon ay naglalakbay dala ang iron ore mula Gutalac, Zamboanga del Norte patungong Guangdong, China.
Huling naitala ang posisyon nito mga 262 km kanluran ng Sabangan Point, Ango Bay, Pangasinan, noong Huwebes ng gabi, Enero 22.










