Nahuli ang isang menor de edad na suspek sa pamamaril-patay sa isang ginang noong February 2, 2025 sa southern Cebu.

Ayon sa Mambaling Police Station sa Cebu City, nahuli nila noong Feb. 3 ang 15-anyos na lalaki sa bayan ng Dalaguete, na inakusahan na isa sa gunman sa pamamaril sa 44-anyos na ginang sa Brgy. Duljo, Cebu City.

Sinabi ng pulisya na ang suspek ay isang out-of-school youth, at residente sa nasabing lugar.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang .45 caliber na posibleng ginamit sa krimen.

Naalarma din ang mga awtoridad nang malaman na ang suspek ay sangkot umano sa gun-for-hire group.

-- ADVERTISEMENT --

Tinutugis na ng mga awtoridad ang dalawang kasamahan ng suspek na isinasangkot din sa nasabing krimen.

Iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril sa ginang at isa sa tinitignang anggulo ay may kaugnayan sa iligal na droga.

Inaalam na rin ng Women and Protection Desk kung ang nasabing menor de edad ay alam ang inaakusa sa kanya na krimen.