TUGUEGARAO CITY-Nakahanda na ang 150 pulis mula sa Cagayan Police Provincial Office (CPPO) na nakatakdang i-deploy sa mga bayan na maapektuhan ng bagyong “Ramon”.
Ayon kay P/Col. Ariel Quilang, Cagayan Pnp director, nakafull-alert na ang kanilang hanay para masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Kaugnay nito, sinabi ni Quilang na patuloy ang kanilang monitoring sa buong probinsiya sa posibleng pananalasa ng nasabing bagyo.
Aniya, pinabalik na sa duty ang mga naka-leave na pulis at hindi rin pinayagan ang mga nakatakda sanang magbabakasyon simula ngayong araw hanggang sa makalabas ng Philippine Area of responsibility ang bagyo.
Samantala, pinayuhan ni Quilang ang publiko na sumunod sa mga mandato ng kanilang hanay lalo na sa pag-evacuate para maiwasan ang pagtala ng mga aksidente o pagkamatay.