TUGUEGARAO CITY- Umaabot sa 191 covid-19 related patients ang minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center o CVMC.

Ito ay batay sa census ng CVMC as of 6: 30 am ngayong araw.

Sa nasabing bilang, 154 ang confirmed cases habang 37 naman ang suspected.

137 ang kaso sa Cagayan kabilang ang 82 sa Tuguegarao City habang ang iba pay mula sa 18 bayan sa probinsiya.

Nakapagtala naman ang Isabela ng 15 mula sa dalawang lungsod at anim na bayan, isa sa Tabuk City, Kalinga at isa sa Apayao.

-- ADVERTISEMENT --

Sa mga suspected cases, ang Cagayan ay may 32 kabilang ang 17 sa Tuguegarao City habang ang iba pa ay mula sa pitong bayan, isa sa Isabela, dalawa sa Flora, Apayao at tatlo sa Kalinga.

Samantala, 26 na pasyente ang naghihintay na ma-admit sa Nigghtigale ward sa CVMC.