Department of Social Welfare and Development

TUGUEGARAO CITY-Inihayag ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 2 na nakahanda ang 15,000 family food packs na ipapamahagi sa mga posibleng maapektuhan ng bagyong Pepito.

Sinabi ni Mar Dameg, focal person ng disaster risk reduction management ng DSWD Region 2 na maliban sa mga relief goods, nakahanda rin ang P4.4 million na gagamiting pondo na pandagdag sa mga available na family food packs.

Dagdag pa ni Dameg na nakaalerto rin ang mga kawani ng DSWD lalo na sa mga probinsiya na tumbok ng bagyo gaya ng Isabela, Qurino at Nueva Vizcaya.

Sa ngayon, sinabi ng DSWD na wala pa silang natatanggap na ulat na inilikas dahil sa bagyo.

Sa ngayon ay nakataas ang signal number 2 sa southern portion ng Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.

-- ADVERTISEMENT --

Ngayong araw, ang tropical depression Pepito ay magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, Marinduque, Romblon, Quezon, Aurora, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, mainland Cagayan, Pangasinan, at Benguet. with reports from Bombo Marvin Cangcang