Hinuli ng mga awtoridad ang isang 16-anyos na binatilyo matapos itong magsayaw nang nakahubo at ipakita pa ang kaniyang ari habang nakasabit sa umaandar na tricycle sa Antipolo City.
Nakunan ng video ng isang motorista ang insidente na naganap bandang alas-9 ng gabi noong Huwebes, kung saan makikitang tinakpan ng binatilyo ang kaniyang mukha gamit ang t-shirt habang sumasayaw sa gilid ng tricycle at ibinaba ang kaniyang shorts sa harap ng mga tindahan ng pasalubong.
Matapos matukoy ang plaka ng tricycle mula sa viral na video, agad na natunton ng Antipolo Police ang driver at mga sakay nito, kabilang si alyas “Carl.”
Ayon sa pulisya, wala itong ibang dahilan kundi trip lang umano ng grupo.
Nasa pangangalaga na ngayon ng DSWD ang menor de edad habang posibleng maharap naman sa kasong grave scandal ang driver na nasa tamang edad na.