Nasawi ang isang 16-anyos na binatilyo matapos tamaan ng bala sa gitna ng habulan at barilan sa Barangay Suba, Cebu City.
Ayon sa salaysay ng pamilya ng biktima at ng mga opisyal ng barangay, dumating ang apat na armadong lalaki sakay ng dalawang motorsiklo at agad naghanap ng isang tao.
Nang makita ang target, walang sabi-sabing pinaputukan nila ito.
Sa gitna ng takbuhan, napadaan sa direksyon ng binatilyo ang target.
Dito siya aksidenteng tinamaan ng bala.
Agad siyang isinugod sa pagamutan ngunit binawian ito ng buhay sa ospital mismo.
Samantala, nadakip ng pulisya ang tunay na target ng mga suspek, na nakuhaan din ng baril.
Ayon sa barangay, sangkot umano ito sa ilegal na droga.
Patuloy ngayon ang imbestigasyon sa insidente, habang puspusan ang pagtugis ng mga awtoridad sa apat na suspek.