
Nilinaw ni Senador Francis “Chiz” Escudero na kinakailangan ang hindi bababa sa 16 boto ng mga senator-judges upang mahatulan si Vice President Sara Duterte sa nagpapatuloy na impeachment trial.
Ayon kay Escudero, na nagsisilbing presiding officer ng impeachment court, malinaw sa Konstitusyon na kailangan ang pagsang-ayon ng dalawang-katlo ng kabuuang miyembro ng Senado, o 16 sa 24 senador, upang magkaroon ng conviction. Aniya, ito rin ang naging batayan ng desisyon ng Korte Suprema sa kasong Bayan v. Zamora, kung saan kinilala na ang 16 na boto ang kinakailangang bilang para sa mahahalagang desisyon ng Senado.
Binigyang-diin din ni Escudero na dapat sundin ng lahat ang umiiral na batas, maging sang-ayon man o hindi rito. Kasabay nito, tiniyak niyang magiging patas ang pamumuno niya sa impeachment proceedings at ipinaalala sa mga senator-judges ang kanilang panunumpang maghatid ng walang kinikilingang hustisya alinsunod sa Konstitusyon at batas.










