
Patay ang 16 na katao matapos na bumangga sa barikada at bumaliktad ang isang bus sa Indonesia.
Ang bus na mula sa Jakarta, ang kabisera ng Indonesia na patungo sa Yogyakarta, ay mabilis umano ang patakbo at nangyari ang aksidente sa palikong bahagi ng kalsada, ayon kay local and rescue agency head Budiono.
Bumaliktad ang bus matapos na bumangga sa barikada sa kalsada.
Ayon kay Budiono, 15 ang dead on the spot, habang ang isa ay namatay sa pagamutan.
Sinabi ni Budiono na maraming biktima ang dinala sa Semarang para gamutin sa kanilang tinamong injuries.
Pangkaraniwan ang mga aksidente sa lansangan sa Indonesia, kung saan karamihan ng mga sasakyan ay luma na at kulang ang maintainance, at hindi sinusunod ng mga motorista ang mga patakaran sa lansangan.
Noong 2024, 12 katao ang namatay sa banggaan ng isang bus sa isang sasakyan sa busy highway dahil sa pagbiyahe ng maraming tao para ipagdiwang ang Eid al-Fitr.
At noong 2019, 35 katao ang namatay matapos na mahulog sa bangin ang isang bus sa isla ng Sumatra.










