
Nasugatan ang 16 na guro at estudyante matapos ang tensyon sa pagitan nila at ng mga pulis sa isang protesta sa labas ng Malacañang.
Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), nananawagan ang mga nagpoprotesta para sa tulong-pinansyal, kabilang ang P50,000 na panimulang sahod para sa mga guro, P5,000 na Personnel Economic Relief Allowance, dagdag na pondo para sa edukasyon, at mas malawak na mga reporma sa sektor ng edukasyon.
Inihayag ng ACT na napinsala umano ang mga personal na gamit ng limang nagpoprotesta, at sapilitang kinuha at sinira ng mga pulis ang dalawang megaphone.
Samantala, kinondena ni ACT Rep. at Deputy Minority Leader Antonio Tinio ang pagbuwag ng pulisya sa protesta ng mga guro.










