Umabot sa 16 na kalabaw ang sumabak sa nuwang karera bilang bahagi ng Pavvurulun Afi Festival ng lungsod ng Tuguegarao.
Layunin ng aktibidad na ito na ipakita ang mayamang kultura ng lungsod ng Tuguegarao at magbigay pagpupugay sa sakripisyo ng mga magsasaka.
Itinanghal na kampeon si James Acom, na tumanggap ng ₱15,000 bilang gantimpala.
Sumunod si Maxx Quilang na nag-uwi ng ₱10,000 para sa ikalawang puwesto.
Samantala, si Junior Domincil ay pumangatlo at tumanggap ng ₱8,000, habang si Roland Quilang ay pumang-apat at ginawaran ng ₱5,000.
Nakatanggap ang ibang mga kalahok ng tig-₱2,000 bilang consolation prize bilang pagkilala sa kanilang partisipasyon.
Ang Nuwang Karera ay isa lamang sa mga highlight ng makulay na pagdiriwang ng 301st Pavvurulun ‘Afi’ Festival na nagsusulong ng lokal na tradisyon at pagkakaisa sa lungsod.