
Humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) ang 16 sa 18 na umano’y dating Marines, na nagsabing “bagmen” sila ni dating Congressman Zaldy Co bilang tugon sa inilabas na subpoena.
Sinamahan sila ng kanilang abogado na si Levito Baligod kaninang umaga.
Wala pang ibinigay na dahilan si Levito sa hindi pagpapakita ng dalawa sa mga ito sa NBI.
Matatandaan na naglabas ang NBI ng mga subpoena sa 25 indibidual, kabilang ang 18 na umano’y dating Marines.
Nag-ugat ang subpoenas sa press conference noong Pebrero 24 kung saan ipinakilala ni Baligod ang 18 indibidual na mga dating Marines na nagsilbi umano silang “bagmen” ni Co at nagdala ng P805 billion na umano’y kickbacks mula sa maanomalyang flood control projects.
Inakusahan pa ni Baligod si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mastermind o utak sa nasabing hakbang at ibinigay umano ang pera sa maraming personalidad, kabilang si dating House Speaker Martin Romualdez at Co.
Tinawag naman ito ni Palace Press Officer Claire Castro na ” lousy script” at isa lamang itong kampanya para siraan ang Pangulong Marcos.










